₱740,000.00 halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa Jolo, Sulu
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Naharang ng mga tauhan ng Jolo Municipal Police Station ang isang sasakyan nang magpatrolya sa Sitio Barrio Militar, Barangay Walled City.
Ayon sa report ng awtoridad, agad tumakas ang driver at iniwan ang sasakyan habang paparating ang mga pulis.
Natuklasan sa loob ng sasakyan ang kahon kahon na mga sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱740,000.00.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay dinala na sa Bureau of Customs para sa pagsusuri at tamang disposisyon.
Comments