Mangingisda sa Cotabato City, arestado dahil sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril at paglabag sa COMELEC Gun Ban
- Teddy Borja
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang mangingisda dahil sa pagdadala ng hindi lisensiyadong baril at paglabag sa COMELEC Gun Ban.
Naganap ang pag-aresto alas 4:30 ng hapon, araw ng Huwebes, June 5 sa Lower Bubong, Barangay Kalanganan II, Cotabato City.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Mike”, 36 years old, residente ng Buaya-Buaya, Barangay Kalangan 2, Cotabato City.
Pinigil ang suspek sa isang checkpoint operation kung saan naispatan na nakasukbit ang improvised UZI na baril na walang serial number.
Mayroon itong magazine at loaded ng limang 9mm na mga bala.
Sasailalim sa medical at physical examination ang naarestong indibidwal habang isusumite naman sa Regional Forensic Unit BAR ang baril para sa Ballistic Examination at proper custody.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa COMELEC Resolution No.11067 at R.A.10591.
Comments