iMINDSPH
Agad na ni-rescue ang walong pamilya o dalampu’t siyam na indibidwal sa Sition Mayan, Barangay Labu-Labu, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur matapos rumagasa ang baha dulot ng matinding buhos ng ulan.
Nagtulungan ang PDRRMO ng Maguindanao del Sur at Bureau of Fire Protection at sinagip ang mga apektadong residente
Samantala, lubog din sa baha ang maraming barangay sa bayan ng Mamasapano.
Panawagan ng lokal na pamahalaan na maging alerto at agad lumikas kung kinakailangan.
Comments