top of page

₱800K halaga ng smuggled Cigarettes, nasabat sa Kapatagan, Lanao del Norte; 3 indibidwal, arestado sa operasyon!

  • Teddy Borja
  • 22 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasabat ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Lanao del Norte Police Provincial Office ang tinatayang ₱800,000 halaga ng umano’y smuggled cigarettes sa isang checkpoint operation sa Brgy. Bansarvil 1, Kapatagan, Lanao del Norte, bandang alas-6:00 ng umaga ng Abril 6, 2025.


Sa isinagawang checkpoint ng 4th Maneuvering Platoon, napara ang isang van.


Sa initial na inspeksyon, napansin ng mga operatiba ang ilang karton ng sigarilyo sa ilalim ng tarpaulin sa likod ng sasakyan. Agad na pinigil ang sasakyan para sa masusing inspeksyon.


Lulan ng naturang sasakyan ang tatlong indibidwal mula Zamboanga City.


Kabilang sa mga nakumpiska ay:


18 sako ng sigarilyo na may tig-50 reams bawat sako

at 2 sako pa ng sigarilyo na may tig-50 reams bawat sako


Sa kabuuan, umabot sa 1,000 reams ng umano’y smuggled cigarettes ang nasamsam na may tinatayang market value na ₱800,000.


Dinala sa Kapatagan Municipal Police Station ang mga naaresto at ang mga nakumpiskang kontrabando para sa kaukulang dokumentasyon. Ang mga sigarilyo at ang sasakyang ginamit ay itinakdang i-turn over sa Bureau of Customs para sa tamang disposisyon.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page