85 workers at employers sa Tawi-Tawi isinailalim ng MOLE sa family welfare orientation
- Diane Hora
- Aug 18
- 1 min read
iMINDSPH

Walumpu’t limang manggagawa at employers sa Tawi-Tawi ang isinailalim sa orientation hinggil sa Bangsamoro Workers’ Family Welfare Program (BWFWP), araw ng Miyerkules, August 13, 2025.
Ibinahagi rin sa mga ito ang Family Welfare Committee alinsunod sa labor laws.
Ang komite ang responsable sa pagpaplano, pag-organisa, pagpapatupad at monitoring ng family welfare programs upang matiyak na ang kapakanan ng mga manggawa ay mananatiling prayoridad sa polisiya at nakaugalian.
Sumailalim rin ang mga participant sa “10 Dimensions ng Family Welfare Program”, na tumutugon sa well-being ng mga manggagawa tulad ng housing, transportation, responsible parenthood, education, and nutrition at iba pa.
Nagbigay rin ng grocery packages ang MOLE sa participants.



Comments