86 dating miyembro ng ASG at dating supporters ng NPA, sumuko sa awtoridad sa Zamboanga City
- Teddy Borja
- Nov 14
- 1 min read
iMINDSPH

Animnapu’t apat (64) na dating tagasuporta ng Abu Sayyaf Group at dalawampu’t dalawang (22) tagasuporta ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan, araw ng Huwebes, November 13, sa Regional Mobile Force Battalion 9 Headquarters, Camp Col. Romeo A. Abendan, Zamboanga City.
Ayon sa PNP, isinagawa ang pagsuko pasado alas-5:30 ng hapon sa pangunguna ng RMFB 9, katuwang ang Isabela CPS, Zamboanga CPO, Zamboanga del Sur PPO, Zamboanga Sibugay PPO, Zamboanga del Norte PPO, Maritime Group 9, BARMM police, at Sulu PPO.
Isinuko ng grupo ang iba’t ibang uri ng armas kabilang ang 38 revolver, tatlong shotgun, isang Uzi, isang .22 pistol, at tatlong pampasabog.
Nanumpa ang mga ito ng katapatan sa pamahalaan at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon. Nasa kustodiya na ng RMFB 9 ang mga armas para sa safekeeping.



Comments