9,027 pulis mula sa 32, 698 na nahatulang guilty sa iba’t ibang kasong administratibo, tinanggal na sa serbisyo ayon sa PNP; May mga pulis din na demoted at suspended
- Teddy Borja
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit tatlumpu’t dalawang libong pulis ang nahatulang guilty sa iba’t ibang kasong administratibo mula taong 2016 hanggang 2025.
Mahigit siyam na libo dito ang tinanggal sa serbisyo.
Ayon sa Directorate for Personnel and Records Management ng PNP (DPRM), umabot sa 32,698 pulis ang napatunayang guilty sa iba’t ibang administrative offenses sa nakalipas na siyam na taon.
Sa bilang na ito, 9,027 ang tinanggal sa serbisyo.
1,725 naman ang demoted, 15,311 ang suspended, 1,221 ang forfeited ang sweldo, 4,355 ang reprimanded, 528 ang pinatawan ng restriction penalties, at 531 ang tinanggalan ng pribilehiyo.
Ayon sa PNP, 1,037 sa mga dinismiss ay sangkot sa drug-related offenses o nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra “rogue cops.”
Sa datos ng Philippine National Police, sa loob ng siyamnapu’t dalawang araw ng panunungkulan bilang Acting Chief PNP ni PLtGen Jose Melencio Nartatez Jr., 2,308 personnel ang nasangkot sa 1,339 administrative cases na naresolba; 428 ang na-dismissed, 71 sa mga ito ang demoted, at 448 ang suspended.
Tiniyak ng PNP na ang internal disciplinary process nito ay nananatiling mahigpit, transparent, at alinsunod sa PNP Memorandum Circular No. 20-2020, bilang bahagi ng patuloy na internal cleansing upang mapanatili ang integridad ng organisasyon.



Comments