top of page

9.7 million pesos halaga ng iligal na droga, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa buong Davao Region sa 1 linggo na operasyon kung saan 90 indibidwal ang arestado

  • Teddy Borja
  • Aug 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Umabot sa 9. 7 million pesos ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga sa isang linggong operasyon kung saan siyamnapung indibidwal ang arestado


Nasabat ang tinatayang PHP 9,747,251.90 halaga ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng mga tauhan ng PNP PRO 11 mula Agosto 4 hanggang 10, 2025.


Sa loob ng isang linggo, 80 operasyon ang ikinasa, 53 dito ang drug buy-busts, 7 service of arrest warrants, 5 service of search warrants, 7 checkpoint operations, 4 incidental searches, at 4 police responses.


Nakumpiska sa mga operasyon ang shabu na may halagang PHP 9,620,291.84 at marijuana na nagkakahalaga ng PHP 126,960.06.


Bukod dito, naaresto rin ang 19 High-Value Individuals (HVIs), 70 Street-Level Individuals (SLIs), at nailigtas ang isang menor de edad.


Ayon kay PBGen Joseph Arguelles, patunay ito ng walang humpay na kampanya ng PRO 11 laban sa banta ng ilegal na droga upang masiguro ang mas ligtas, mas mapayapa, at mas maayos na pamayanan para sa mga residente ng Davao Region.


Pinuri rin ng Regional Director ang dedikasyon at propesyonalismo ng mga operatiba ng PNP, gayundin ang suporta ng iba pang law enforcement agencies at ng komunidad, na aniya’y mahalagang bahagi ng bawat matagumpay na operasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page