top of page

9 kooperatiba sa Cotabato City, lumahok sa financing forum na inorganisa ng tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo

  • Diane Hora
  • Aug 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nakipag-ugnayan sa tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo ang siyam na local cooperatives sa Cotabato City upang matulungan sa pagpapalakas ng kanilang mga negosyo.


Sa pamamagitan ng inisyatiba, nai-ugnay ang mga kooperatiba sa Small Business Corporation o SB Corporation upang makapag-avail ng kanilang financing services at pautang na kapital.


Ayon kay MP Sinarimbo, layunin ng programa na makipagtulungan sa mga kooperatiba at negosyong nagbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan, maging ito man ay komersyal o non-profit na serbisyo.


Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ni MP Sinarimbo na iugnay ang mga organisasyong nakabase sa komunidad sa mga institusyong pampinansyal, upang mapalawak ang kanilang operasyon, makalikha ng trabaho, at makatulong sa paglago ng lokal na ekonomiya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page