top of page

900 MBHTE-Designed Armchairs, ipinamahagi ng ministry sa mga paaralan sa Schools Division Offices ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • Nov 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang suporta sa edukasyon ng mga kabataan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, namahagi ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ng siyamnaraang MBHTE-designed armchairs sa mga Schools Division Offices ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Ayon sa MBHTE, magagamit ng mga mag-aaral ang mga upuan upang mas maging maayos at conducive ang pag-aaral ng mga ito.


Ang mga tumanggap ng

armchairs sa mga paaralan sa MDN ay ang Pagalungan National High School, na binigyan ng 200 na upuan, at Madia Integrated School naman na binigyan ng 100 piraso ng MBHTE-designed armchairs.


Sa MDS, nabigyan ng 200 piraso ng MBHTE-designed armchairs ang Datu Mantato National High School, 200 piraso din sa Bai Hanina S. Sinsuat National High School, at 200 na upuan din sa Karim National High School.


Patunay ito, ayon sa MBHTE, ng kanilang adbokasiya na “No Bangsamoro Learners Shall Be Left Behind.”

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page