94 Bangsamoro Scholars sa Basilan, nagtapos sa Training Induction Program ng MBHTE
- Diane Hora
- Nov 10
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay ang pagtatapos ng siyannapu’t apat na mga benepisyaryo ng Bangsamoro Scholarship Program for Technical-Vocational Education and Training ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education mula sa probinsya ng Basilan noong a bente-tres ng Oktubre.
Nasa 25 trainees ang nagtapos ng Bread and Pastry Production, 44 trainees sa Shielded Metal Arc Welding NC II sa 1st at 2nd batch at 25 trainees naman ang nagtapos sa Carpentry NC II.
Layunin ng TIP na ihanda at bigyang-orientasyon ang mga iskolar hinggil sa kanilang mga karapatan at mga patakaran sa ilalim ng BSPTVET Program.
Sa pagtatapos ng programa, isinagawa ang Oath of Commitment bilang tanda ng kanilang dedikasyon na tapusin ang pagsasanay.
Ang TIP ay nagsisilbing unang hakbang tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa larangan ng technical education and livelihood.
Patuloy ang pagsisikap ng MBHTE na magbigay ng mga oportunidad para sa mga Bangsamoro youth scholars upang mapaunlad ang kanilang kasanayan at matulungan silang makamit ang mas maunlad na kinabukasan.



Comments