top of page

97,558 lamang o 30% mula sa 323 thousand school buildings sa buong bansa ang maituturing na “good condition” batay sa report ng Philippine Institute for Development Studies noong October 2024

  • Diane Hora
  • Aug 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pitumpung porsyento ng mga school buildings sa bansa ang nangangailangan na makumpuni batay sa report ng Philippine Institute for Development Studies noong October 2024, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, ayon sa report, sinabi ni Dr. Karol Mark Yee, executive director ng EDCOM II na mahigit 323,000 na mga school buildings sa buong bansa ay 30 percent lang ang maituturing na nasa ‘good condition’ o 97,558.


Ayon kay Yee, may ilang mga school buildings ang condemned na o hindi na dapat gamitin pero patuloy pa ring ginagamit dahil kailangang kailangan.


Sinabi ng opisyal na kabilang sa mga dahilan ng kakulangan sa school buildings ang pagbaba ng alokasyon para sa pagpapatayo ng mga ito, mabagal na konstruksyon, paglaki ng populasyon at ang kawalan ng lote na pagpapatayuan ng gusali.


Dagdag sa report, may mga eskwelahan umano na ginagawang dalawa hanggang apat ang shift ng pasok kada araw, ina-adjust ang bilang ng mag face-to-face classes at may mga nagkaklase sa mga tent at gilid ng kalsada.


Kaya naman rekomendasyon ng EDCOM II, dagdagan ang pondo para sa pagpapatayo ng school buildings, unahin ang mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad at palakasin ang kolaborasyon sa mga LGU at ribadong sektor ayon pa sa report.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page