₱973M proposed budget ng MENRE para sa taong 2026, hinimay sa budget deliberation ng Committee on Finance, Budget, and Management
- Diane Hora
- Nov 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa budget deliberations ng Subcommittee A ng Committee on Finance, Budget, and Management ng Bangsamoro Parliament, inilatag ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy ang kanilang proposed ₱973M budget para sa 2026.
Ayon sa MENRE, ang panukalang pondo ay gagamitin upang suportahan ang mga pangunahing inisyatiba ng ministry, kabilang ang natural resources policy enforcement, conservation and development, at environmental regulation, tulad ng ambient monitoring at pollution control.
Kasama rin sa mga programang popondohan ang iba't ibang subcomponents tulad ng land disposition and digitalization, mineral and geoscience development, biodiversity management, protected area development, research and energy management.
Ipinagmalaki rin ng MENRE sa kanilang presentasyon na kanilang napangalagaan ang humigit-kumulang 524,576.16 ektaryang forestland sa pamamagitan ng foot patrols at mga preventive measures laban sa sunog, illegal poaching, at pagkalat ng pest outbreaks.



Comments