98 Trainees, nagtapos sa BSPTVET-TTB 2025 ng MBHTE sa Lanao del Sur
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

May hawak nang NC II certificates ang siyamnapu’t walong trainees sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program Technical Vocational and Educational Training – Tekbok Tungo sa Pag-angat ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa Barangay Saduc, Marawi City, Lanao del Sur noong ika-4 ng Nobyembre.
Nagtapos sila ng pagsasanay sa Faminanash Integrated Laboratory School Incorporated kung saan 25 graduates ang nagsipagtapos ng Carpentry NC II, 25 graduates din ng Emergency Medical Services NC II, 25 graduates ng Masonry NC II, at 23 graduates naman ng Computer System Servicing NC II.
Layon ng programa na maibigay sa mga trainee ang kalidad na kasanayan upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman at kakayahan sa hanapbuhay at mas malawak na oportunidad sa trabaho.



Comments