99 indibidwal, arestado sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operation sa Davao Region; P1.3 million na halaga ng suspected shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mula July 21 hanggang July 27, 2025, ikinasa ang 83 anti-drug operations sa buong Davao Region.
Sa 99 drug personalities na arestado, 20 dito ang high-value targets at 79 ang street-level individuals.
Tinatayang PHP1,319,481.92 halaga ng ipinagbabawal na gamot kabilang ang shabu, mga tuyong dahon ng marijuana, at marijuana plants ang nakumpiska.
Ayon sa PNP PRO 11, ang matagumpay na kampanya ay patunay anila ng determinasyon ng pamunuan na linisin ang rehiyon sa banta ng ilegal na droga at tiyaking ligtas at payapa ang pamumuhay ng mamamayan sa Davao Region.
Comments