Agri-Fishery programs at projects ng Maguindanao del Norte Provincial Government para sa taong 2026, inilatag sa pulong ng Agri-Fishery Council
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng Provincial Agriculturist ng Maguindanao del Norte ang Agri-Fishery Council Meeting ngayong linggo upang palakasin pa ang mga programa at proyekto sa lalawigan.
Dinaluhan ito ng mga council members mula sa iba’t ibang bayan kung saan inilatag sa mga ito ang mahahalagang usapin at programa para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Binigyang-diin sa pulong ang patuloy na dedikasyon ng
council members sa
pagsuporta sa mga magsasaka
at mangingisda na isang mahalagang ambag sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan.
Binigyang-halaga rin ang papel
ng PAFC sa pag-uugnay ng
mga hinaing mula sa komunidad tungo sa mga polisiya at programa ng probinsya at rehiyon.
Sa pulong, nagkaroon ng Executive Order Review na nag-oorganisa sa PAFC at tumutukoy sa mandato at komposisyon nito mula sa pampubliko at pribadong sektor.
Dito rin iprinisinta ang Programs, Projects, and Activities para sa 2026.
Ang mga PPAs na ito ay nakabatay sa direksyon ni MDN Governor Tucao Mastura at nakaayon din sa development agenda ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Sa presentasyon, tinalakay din ang mga isyu mula sa Municipal Agri-Fishery Councils tulad ng kakulangan ng suporta, hamon sa implementasyon, at mga rekomendasyon para mas mapalakas ang operasyon sa municipal at barangay level.
Bago nagtapos ang pagpupulong, pinagtibay ang mga agreements at action points bilang gabay sa mga susunod na hakbang upang matugunan ang mga napag-usapang concerns.
Bilang first elected government ng Maguindanao del Norte, sinisiguro ni Governor Datu Tucao Mastura na diretso ang serbisyo sa mamamayan na nakaangkla sa Development, Transformation, at Opportunity para sa Maguindanao del Norte o DTOM.



Comments