iMINDSPH
Sa inilabas na Supreme Court decision kung saan dineklara ang section 5 ng Bangsamoro Autonomy Act Nos. 53, 54 at 55 na unconstitutional-
Nabanggit din ang alegasyon ng Fraud hinggil sa Bangsamoro Autonomy Act No. 53 at alegasyon ng “Forgery” sa pirma ni Chief Minister Ahod Ebrahim sa nasabing batas base sa petisyon na inihain sa ilalim ng General Registry No. 271741.
Pero tumanggi ang Korte Suprema na magbigay ng ruling sa nabanggit na alegasyon. Ayon sa SC, isa itong “factual issue” at nararapat na bigyan ng tugon sa proper forum.
Ito ang motion at manifestation ni MP Ishak Mastura, araw ng Lunes sa pagpapatuloy ng regular session ng BTA Parliament.
Ayon sa alegasyon na nakasaad sa petisyon, nasa official travel sa ibang bansa si Chief Minister Ebrahim noong December 11, 2023 at dumating ito ng bansa noong January 13, 2024.
Sinasabing hindi nito officially at legally nalagdaan ang batas noong December 26, 2023.
Sa nasabing petisyon na denisisyunan ng SC, nabanggit din na may kasama itong records mula sa National Bureau of Investigation BARMM, NBI complaint Sheet, Joint Affidavit of Complainants, at List of Travel Records ng Chief Minister na inisyu ng Bureau of Immigration.
Pero tumanggi ang Korte Suprema na magbigay ng ruling sa nabanggit na alegasyon. Ayon sa SC, isa itong “factual issue” at nararapat na bigyan ng tugon sa proper forum.
Tinanong din ng newsteam ang mambabatas kung valid ang isang e-signature sa paglagda ng isang batas.
Kaugnay naman sa alegasyon ng “forgery” sa pirma ni Chief Minister Ahod Ebrahim sa BAA No. 53-
Tinanong ng newsteam si Deputy Speaker Lanang Ali Jr. kung napirmahan ba ng personal o aktual ng Chief Minister ang batas, ito ang kanyang naging tugon.
Araw ng Lunes nang sumalang sa 1st reading ng BTA Parliament ang Parliament Bill Nos. 331, 332 at 333
Kahapon, araw ng Huwebes, naghayag naman ng kanyang sponsorship speech si Deputy Speaker Lanang Ali Jr. hinggil sa mga panukalang batas.
Comments