top of page

AMBaG, Kinilala bilang Nangungunang OCM Special Program ginanap na Annual Performance Review and Planning Conference 2025

iMINDSPH



Muling kinilala ang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) bilang "Top Performing Office for SPPCR Category" sa ginanap na Annual Performance Review and Planning Conference 2025 sa SKCC Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City.



Ginanap ang conference a-17 ng Pebrero.


Kabilang sa mga pinarangalan para sa kanilang exemplary service sina Deputy Program Manager Saharan Jurjani J. Silongan, Administrative & Finance Unit Head Cecille F. Guidoga, Monitoring and Evaluation Head Jehan E. Zainal, Information & Communications Unit Head Melvin L. Ellarina, Peace Program Officer I Sittie Jihanee B. Abdullah, at Project Evaluation Officer I Al-jaysser A. Abas.


Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay patunay ng matibay na dedikasyon ng AMBaG sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong medikal at suporta sa mamamayang Bangsamoro. Ang patuloy na tagumpay ng programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng matatag na pamumuno ni Chief Minister Ahod B. Ebrahim at Cabinet Secretary at Program Head Mohd Asnin K. Pendatun.


Ang parangal na ito ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pang palakasin at palawakin ang serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng nangangailangan sa rehiyon.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page