AMBaG, kinilala ng Dr. Montañer Jr., Al-Haj Memorial Hospital ang patuloy na suporta at pagpapaabot ng medical assistance sa Bangsamoro na nangangailangan.
- Diane Hora
- Dec 4
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpapasalamat ang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG sa Dr. Serapio B. Montañer Jr., Al-Haj Memorial Hospital kasunod ng pagkilala ng pagamutan sa programa.
Ayon sa AMBaG, ang pagkilalang ito ay nagpapalakas pa ng pangako na magsilbi, magbigay ng pag-asa, at makahulugang medical assistance sa bawat pasyenteng Bangsamoro.
Ang tiwala rin umano mula sa partner hospital at sa mga pasyente ay isang paalala ng kahalagahan ng tungkulin at misyon ng AMBaG.
Nagpasalamat din ang AMBaG sa patuloy na pakikipagtulungan at pagbibigay ng inspirasyon upang mas lalo pang pagbutihin ang serbisyo.



Comments