iMINDSPH
Sa patuloy na pagsusumikap ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim na mabigyan ng quality healthcare ang mga residente sa lahat ng bayan sa rehiyon lalo na ang mga malalayong lugar sa island provinces-
Tinungo ng mga opisyal ng AMBAG ang Sibutu, Tawi-Tawi at isinagawa ang assessment upang mapahusay pa ang serbisyong pangkalusugan na handog ng programa sa partner hospital nito na Datu Alawaddin T. Bandon Sr. Memorial Hospital.
Ayon sa mga opisyal ng ospital, malaking tulong ang AMBAG lalo na sa Badjao Community. Takot umano ang mga ito noon na magtungo ng ospital dahil sa kawalan ng pera. Nahihikayat din anila ngayon ang mga Badjao na magpagamot at magpacheck up.
Tinalakay din sa pulong ng mga opisyal ang pangangailangan sa blood bank at maayos na water filtration systems. Marami sa mga pasyente ayon sa administrasyon ng ospital ang nagkakaroon ng Acute Gastroenteritis.
Nangako naman si BARMM Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun na patuloy na susuporta ang BARMM Government sa pamamagitan ng AMBAG sa mga hakbang na magpapaunlad pa sa healthcare services sa Sibutu at kalapit lugar.
Comments