top of page

Annual Action Plan 2026, ipinresenta ng Maguindanao del Sur Provincial Government

  • Diane Hora
  • Dec 15
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Pinulong ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang Local Health Board Council kasama ang Peace and Order Council, Provincial Anti-Drug Abuse Council, Provincial Ecological Solid Waste Management Board, Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, Local School Board, Provincial Technical Education and Skills Development Council, at Provincial Nutri-Wash Council upang iprisinta ang 2026 Annual Action Plan.


Nagbigay rin ng pagkakataon ang sesyong ito upang ituon ang mga hakbang sa mga prayoridad na programa at mapalakas pa ang kolaborasyon ng bawat council.


Tiniyak din sa pulong na ang mga health program ay tumutugon sa pangangailangan at hamon ng mga komunidad.


Binigyang-diin rin ang pagtutulungan at maayos na pagmomobilisa ng mga resources upang maging mas epektibo ang paghahatid-serbisyo.


Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kaalaman, expertise, pondo, at logistical support mula sa lahat ng councils, mas maisusulong ang mas maayos at epektibong mga hakbang ng board upang mas maabot ang mga komunidad na nangangailangan ng higit na serbisyo at tulong.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page