top of page

Annual minimum wage review sa Cotabato City, sinimulan na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB)

iMINDSPH


Sinimulan na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) ang annual minimum wage review sa Cotabato City.



Nagpulong ang mga representante mula sa iba’t ibang private establishments sa Cotabato City sa first Public Consultation hinggil sa pagtukoy at pag ayos ng Minimum Wage sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong taon.



Isinagawa ito sa lungsod, a-27 ng Pebrero.



Ang pulong na inorganisa ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) sa ilalim ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) ay naglalayong makalikom ng diverse perspectives at critical data para ipaalam sa private sector workers at employers ang patas at sustainable minimum wage.



Iprenisinta rin ng PSA ang latest poverty at price statistics na nagbigay ng isang malinaw na estado ng ekonomiya sa rehiyon.


Inilatag din ng MTIT ang kasalukuyang datos hinggil sa employment generated sa pamamagitan ng business name registration upang bigyang diin ang impact ng business growth sa rehiyon.


Sa open forum, nabigyan ng oportunidad ang mga kalahok kung saan naghayag ang ilang employer ng concerns sa pagpapanatili ng business sustainability sa ginta ng tumataas na operational costs, habang binibigyang diin naman ng manggagawa ang living wage para matiyak ang kanilang basic necessities.


Sinagot at nilinaw ng board members ang ilang queries at ang ilang punto sa pulong.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page