Anwari Gayanandang at Diya Mohammad Payatok, kapwa miyembro ng 118th Base Command ng MILF–BIAF, lumagda na sa pinal na kasunduan sa kanilang pag-aayos
- Diane Hora
- Dec 8
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa sa tanggapan ni Governor Datu Ali Midtimbang ang paglagda nina Anwari Gayanandang at Diya Mohammad Payatok, kapwa miyembro ng 118th Base Command ng MILF–BIAF, sa pinal na kasunduan sa kanilang pag-aayos.
Sa ibinahaging impormasyon ng provincial government, naging posible ito matapos ang masusing pag-uusap at pagkumbinsi sa magkabilang panig.
Ang dalawang pamilya, na matagal nang may alitan na nauwi sa rido.
Taos-pusong pumayag ang dalawa na magkasundo, ayon sa pamahalaang panlalawigan, at wakasan ang hindi pagkakaunawaan.
Sa likod ng tagumpay na ito ay ang matatag na dedikasyon at inisyatibo ni Governor Datu Ali Midtimbang, ayon sa provincial government, na patuloy na nagsisilbing tulay sa pagbuo ng pagkakasundo sa iba’t ibang pamayanan.
Dahil sa pagpupursigi at malasakit umano ng gobernador, naging posible ang pagharap ng dalawang panig sa isang mapayapang resolusyon—isang hakbang na muli umanong nagbibigay ng pag-asa sa mga mamamayan at nagtataguyod ng pangmatagalang kapayapaan sa Maguindanao del Sur.
Ang kasunduan, ayon sa pamahalaang panlalawigan, ay simbolo ng pagkakaisa, pag-asa, at pagpapatuloy ng adhikain ng pamahalaang panlalawigan para sa isang mas ligtas, mas payapa, at mas maunlad na Maguindanao del Sur.



Comments