Application period para sa Shari’ah Special Bar Examination, pinalawig pa ng Korte Suprema
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Mula December 12, pinalawig ng Supreme Court ang application period hanggang December 17 para sa 2026 Shari’ah Special Bar Examination
Layunin nito, ayon sa SC, na mabigyan ng sapat na panahon ang mga aplikante upang makapaghanda at makumpleto ang kanilang documentary requirements.
Pinaalalahanan din ng Office of the 2026 Shari’ah Special Bar Chairperson ang mga aplikante na tiyaking kumpleto ang lahat ng kanilang dokumento at sumunod sa lahat ng itinakdang alituntunin, batay sa inilabas na Bar Bulletin na makikita sa SSBE Microsite.



Comments