top of page

Aprubado na sa third and final reading ang Bangsamoro Labor and Employment Code of 2025 o BLEC

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Mapapalakas na ang proteksyon sa mga manggagawa, magiging patas ang pasahod, at madaragdagan ang mga benepisyo sa BARMM, matapos aprubahan ng BTA Parliament sa third and final reading ang BLEC.


Bumoto pabor sa panukalang batas ang 39 miyembro ng BTA na dumalo sa sesyon noong Miyerkules, Nobyembre 12.


Walang bumoto ng no at walang abstention.


Ang BLEC ay sinertipikahang urgent ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, at sumalang sa second reading noong Martes, Nobyembre 11.

Isa ito sa mga priority measures ng Macacua Administration, na iniakda nina MPs Romeo Sema, Raissa Jajurie, Jose Lorena, Nabil Tan, Randolph Parcasio, Lanang Ali Jr., John Anthony Lim, Alindatu Pagayao, at dating MPs Paisalin Tago at Eddie Alih.


Kinilala rin ito ng International Labor Organization (ILO), isang ahensya ng United Nations na nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at global labor standards.


Sa ilalim ng bagong batas, pinalawak ang kapangyarihan ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) upang i-regulate ang recruitment, enforce workplace safety, set minimum wages, at resolbahin ang disputes sa pamamagitan ng Bangsamoro Labor Conciliation and Arbitration Board (BLCAB) — isang one-stop dispute settlement mechanism.


Kasama ng BLCAB ang Bangsamoro Voluntary Arbitration Tripartite Council (BVATC) at Special Voluntary Arbitration Fund na hahawak sa mga labor conflicts sa pamamagitan ng negotiation, mediation, arbitration, at conciliation — para sa mabilis, mura, at accessible na resolusyon sa pagitan ng mga manggagawa at employer.


Palalakasin din ng code ang proteksyon sa vulnerable workers tulad ng persons with disabilities, senior citizens, at mga nasa informal economy.


I-institutionalize ng BLEC ang religious at cultural rights ng mga manggagawa sa pamamagitan ng prayer breaks, worship space, adjusted work schedules tuwing Ramadan, at hanggang 30 days unpaid pilgrimage leave para sa Hajj o Umrah.


Sasaklawin din ng BLEC ang bereavement, quarantine, at gynecological leaves, at imandato ang lactation stations, female quarters, child-minding areas, at access sa PhilHealth at Pag-IBIG benefits.


Ang code ay nahahati sa walong libro, na tumatalakay sa:

Pre-employment

Employment standards and productivity

Cultural rights and practices

Social welfare and protections

Employment relations

Collective bargaining

Labor justice administration


Kapag naipatupad, ang BLEC ang magiging primary labor law sa Bangsamoro, habang ang national Labor Code ay iiral lamang sa mga kasong hindi sakop ng regional code.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page