Assessment sa estado ng development projects sa ilalim ng Ministry of Human Settlements and Development MHSD, isinagawa ng Finance, Budget, and Management Committee ng BTA Parliament
- Diane Hora
- Aug 13
- 1 min read
iMINDSPH

Ang pagdinig ay bahagi ng serye ng reviews sa TDIF projects na inilaan ng Members of the Parliament, simula buwan ng Hulyo sa pagitan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform.
Nakatakda ring isailalim sa assessment ang TDIF sa iba pang ministries.
Ayon sa report ng MHSD officials may kabuuan na 52 human development training centers ang pinondohan sa pamamagitan ng TDIF ng mga MP, Special Development Funds, at Supplemental Fund mula 2020 hanggang 2024.
As of June 2025, 31 centers na ang natapos, habang 19 ang nananatiling under construction.
Kabilang sa mga proyekto ang covered courts at multipurpose training facilities kung saan 43 ng proyekto ay nasa mga probinsiya sa rehiyon habang siyam na ang nasa labas ng BARMM.
Siniguro naman ni MHSD Deputy Minister Aldin Asiri sa mga mambabatas ang buong suporta at kooperasyon ng ministry.



Comments