Assistance package mula sa DILG, itinurnover ng South Cotabato Provincial Government sa mga Rebel Returnees
- Diane Hora
- Dec 10
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na itinurnover ng South Cotabato Provincial Government ang assistance package mula sa Department of the Interior and Local Government para sa mga dating rebelde at violent extremist.
Bilang bahagi ng pangako ng Provincial Government ng South Cotabato sa kapayapaan, reintegrasyon, at inklusibong kaunlaran, pormal nitong ipinagkaloob sa mga dating rebelde at violent extremist ang assistance package mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG.
Ginanap kahapon, December 9, sa Capitol Covered Court ang naturang programa.
Ipinakita rito ang nagkakaisang suporta at pagtutulungan ng Provincial Government, DILG, at iba pang partner agencies upang matulungan ang mga rebel returnees na muling makapagsimula ng buhay at kalaunan ay maging katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan.



Comments