top of page

Away sa lupa, dahilan umano ng sagupaan ng grupo ng BIAF-MILF at isa pang armadong grupo sa Malinan, Kidapawan City kung saan 7 ang nasawi sa bakbakan ayon sa 6th ID

  • Diane Hora
  • Nov 25
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ayon sa initial report na natanggap ng 6th Infantry Division, na isinasaad sa kanilang inilabas na official statement, ang sagupaan sa Malinan, Kidapawan City, alas-6:00 ng umaga, araw ng Lunes, November 24, ay sa pagitan umano ng grupo ni Kumander Edris ng 108th Base Command ng BIAF-MILF at isa pang armadong grupo.


Ayon sa militar, tumagal ng tatlumpung minuto ang engkwentro bago tuluyang nag-withdrew ang hindi pa matukoy na grupo patungo sa direksyon ng Barangay Estado.


Kinumpirma rin ng 6th ID ang pagpapadala ng tropa sa lugar mula sa 40th IB upang matigil na ang tensyon.


Binigyang-diin ng Kampilan Division na ang deployment ay isinagawa nang may paggalang sa kasalukuyang coordination protocols at established peace mechanisms sa ilalim ng GPH-MILF peace process.


Nagkaroon din ng ugnayan sa pagitan ng Kidapawan City Police Station at Matalam Municipal Police Station, para sa kaligtasan ng mga residente at pagmonitor sa sitwasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page