Babae na itinuturing na Top 1 HVI ng PNP Region 11, arestado sa buy-bust operation sa Pantukan, Davao de Oro
- Teddy Borja
- 5 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang babae na kabilang sa listahan ng Top 1 High-Value Individual ng Police Regional Office 11 sa buy-bust operation sa Pantukan, Davao de Oro.
Ang suspek ay kinilala ng awtoridad sa alyas na “Inday”.
Inaresto ito a-15 ng Hulyo sa Purok 5, Tunga, Barangay Magnaga.
Nasamsam mula sa suspek ang ilang heat-sealed na transparent plastic sachets na naglalaman ng puting kristal na hinihinalang shabu, na may kabuuang halaga sa merkado na Php 136,000.00, kasama ang mga drug paraphernalia at iba pang mga ebidensya.
Pinuri ni PBGen Joseph Arguelles, ang Acting Regional Director ng PRO 11, ang determinasyon at koordinasyon ng mga yunit na nagsagawa ng operasyon, kabilang ang Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), Pantukan Municipal Police Station, Regional Intelligence Division - Provincial Intelligence Team, Davao de Oro Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit - DDOPPO
Kasama rin sa operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Comments