top of page

Carnapping suspect, arestado sa Davao City; 4 nakaw na motorsiklo, nabawi ng awtoridad

  • Teddy Borja
  • 5 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Huli ang isang carnapping suspect sa ikinasang operasyon ng awtoridad. Nabawi naman ng awtoridad ang apat na nakaw na motorsiklo.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Mulot”.


Ikinasa ang operasyon sa Cabantian, Davao City, araw ng Huwebes, July 17, 2025.


Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng ulat mula sa isang biktima sa Bangkal, Davao City ukol sa nawawalang motorsiklo.


Agad namang ipinaabot sa lahat ng yunit ng DCPO ang impormasyon at deskripsyon ng ninakaw na motorsiklo.


Bandang alas-11:00 ng umaga, ipinaalam ng Buhangin Police Station sa Talomo Police na nakita online ang parehong motorsiklong ibinebenta sa Cabantian. Sa agarang tugon, isinagawa ng Talomo Police, sa pakikipag-ugnayan sa Buhangin Police Station at City Intelligence Unit (CIU), ang isang joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakarekober ng motorsiklo.


Sa isinagawang imbestigasyon, isiniwalat din ng suspek ang kinaroroonan ng tatlo pang ninakaw na motorsiklo. Kasalukuyang isinasailalim sa beripikasyon ang mga dokumento ng mga motorsiklo bago ito ibalik sa kani-kanilang may-ari.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa mga kasong carnapping.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page