Php 6.4 million smuggled cigarettes, nasamsam ng awtoridad sa ikinasang operasyon sa Digos, Davao Del Sur; 1 indibidwal, arestado
- Teddy Borja
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit 6 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng awtoridad sa isinagawang operasyon sa Digos, Davao del Sur. Arestado rin sa operasyon ang isang indibidwal.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Joy”.
Naganap ang operasyon sa Barangay Zone 1, Digos City, Davao del Sur, araw ng Huwebes, July 17, 2025.
Narekober sa operasyon ang tinatayang 128 master cases ng iba’t ibang uri ng smuggled cigarettes.
Ang operasyon ay isinagawa sa pangunguna ng Regional Intelligence Division (RID11) at Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU11), sa pakikipag-ugnayan sa Digos City Police Station at Bureau of Customs-Davao.
Nahaharap ngayon si alyas “Joy” sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, at Republic Act 10643 o ang Graphic Health Warning Law para sa mga produktong tabako.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Digos City Police Station para sa karaniwang booking procedures at paghahain ng kaukulang kaso.
댓글