Babae na nagtitinda ng gulay, patay habang sugatan naman ang mister nito matapos pagbabarilin sa Cotabato City
- Teddy Borja
- Apr 3
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang nasawing biktima na si Almaira Mendoza Sangkad, 48 years old at ang kanyang mister na si Bobong Ara Sangkad, 48 years old.

Parehong residente ng Simuay Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte ang mga biktima.
Nakahandusay sa daan ang mga duguang biktima nang datnan ng otoridad.
Sa imbestigasyon ng otoridad, ang mga biktima ay parehong vegetable vendors sa Supermarket, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.
Mula umano sa supermarket ang mga biktima, sakay ng trisikad nang mangyari ang krimen.
Tinangay naman ng mga kriminal ang sling bag ni Almaira na naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng pera.
Tinangay din ang dalawang cellphone ng mga biktima.
Comments