iMINDSPH

Kinilala ang biktima na si Miralona Ansinggay, residente ng Alamada, Cotabato.

Tinatayang nangyari ang insidente sa pagitan ng alas 3:00 hanggang alas 4:20 ng hapon, araw ng Martes, March 4.
Ala 5:50 na ng hapon naiulat ang insidente sa otoridad.
Suspek sa krimen ang isang hindi pa kilalang lalaki na may taas na 5’5, nakasuot ng puting t-shirt at black short pants, at sa pagtaya ng otoridad ay nasa edad 21-28 anyos ito.
Ayon sa parang Municipal Police, ipinagbigay alam ng may-ari ng pension house ang insidente. Base inisyal na imbestigasyon ng otoridad-
Habang umiinom umano ang biktima sa loob ng isang kwarto ng pension house kasama ang suspek, narinig umano na nagtatalo ang mga ito ng receptionist ng pension house. Nakarinig din umano ang receptionist ng binasag na bote at biglang tumahimik na sa loob ng kwarto.
Mga alas 4:30 ng hapon nang lumabas umano ng kwarto ang hindi pa kilalang suspek na puno ng dugo ang suot nito at agad tumakas sakay ng motorsiklo.
Nagtamo ang biktima ng multiple stab wounds sa katawan nito na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
留言