iMINDSPH
Itinurn over na ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education BARMM ang bagong gawa na school building sa Mongkas Elementary School sa Barangay Gokotan, Pikit, SGA.
Ang proyekto ay nakakahalaga ng 5,018,000 na pinondohan sa ilalim ng GAAB ng Fiscal Year 2023.
Bahagi ito ng pagsusulong ng infrastructure projects ng tanggapan upang matiyak ang access sa quality education sa rehiyon at masigurong walang mag-aaral ang mapag iwanan.
Commentaires