top of page

Bagong paaralan, madrasah, itatayo sa iba’t ibang bahagi ng BARMM

  • Diane Hora
  • Nov 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa layuning palawakin ang akses sa de-kalidad na edukasyon sa rehiyon.


Isinagawa noong October 16, ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng dalawang palapag na may apat na silid-aralan na Public Madrasah sa Barangay Tubig-Indangan, Simunul, Tawi-Tawi.


Ang nasabing proyekto ay pinondohan sa ilalim ng Special Development Fund 2021 na may kabuuang halaga na ₱8,677,500.33.


Sa oras na matapos, Layunin nitong magbigay ng maayos at angkop na pasilidad para sa Islamic education sa komunidad.


Kasunod nito, nagsagawa rin ng groundbreaking ceremony ang MBHTE para sa dalawang palapag na apat na silid-aralang public madrasah sa Barangay Barira, Maguindanao del Norte, sa ilalim ng GAAB 2023, na may halagang ₱10,161,972.84.


Noong October 28 naman ay isa pang groundbreaking ceremony ang isinagawa sa Barangay Nalinan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, para sa isang palapag na may dalawang silid-aralang na nagkakahalaga ng ₱5,430,050.00.


Samantala, noong October 24 naman ay isinagawa rin ang turnover ceremony para sa mga bagong ayos na silid-aralan sa Mohammad Integrated School sa Cotabato City.


Pinondohan ito sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act na may halagang ₱3,755,930.00.


Ang mga proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MBHTE na mapalawak ang oportunidad sa edukasyon para sa mga mag-aaral ng Bangsamoro at naka angkla sa adbokasiyang “No Bangsamoro learner will be left behind.”

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page