Bagong sanitation and hygiene facility, itinurn over na ng MBHTE BARMM sa Saniag Elementary School sa Ampatuan, Maguindanao del Sur
- Diane Hora
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Magagamit na ng mga mag-aaral at guro ng Saniag Elementary School sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao del Sur ang kanilang bagong water sanitation at hygiene facility.

Ito’y matapos iturn over ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education, a-9 ng Hunyo.
Naisakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng Transitional Development Impact Fund sa tulong at suporta ni Member of Parliament Susana Anayatin.
Ang proyekto ay nagkakahalaga ng Php 926,947.03.
Malaking tulong ang pasilidad ayon sa MBHTE sa access ng mga mag-aaral at guro sa malinis na tubig, kalininsan at apgsusulong ng health at hygiene.
Comments