top of page

BAGONG SCHOOL BUILDING, ITINURN OVER NG MBHTE SA PAARALAN SA LAMITAN CITY, BASILAN AT BARIRA, MAGUINDANAO DEL NORTE

iMINDSPH



Itinurn over na ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang bagong mga silid aralan sa Barira, Maguindanao del Norte, at Lamitan City, Basilan.



Isinagawa rin ang groundbreaking ng itatayong silid aralan sa Ruminimbang Elementary School.


Magagamit na ng mga mag-aaral ng Mupaat Elementary School at Morog-Mamalakat Central Elementary School sa bayan ng Barira, Maguindanao del Norte ang kanilang bagong school building handog ng MBHTE BARMM.


Isinagawa ang turn over a-11 ng Setyembre 2024.


Ang bagong school buildling ng Mupaat Elementary School ay nagkakahalaga ng

4,570,000.16, at nagkakahalaga naman ng Php 6,253,745.58 ang Morog-Mamalakat Central Elementary School.


Ang pondo ay mula sa Quick Response Fund 2022.



Sa Lamitan City, Basilan-



Itinurn over na rin a-4 ng Setyembre ang one-story with two-classroom building sa Bohebessy Primary School na nagkakahalaga ng Php 4,892,366.65.


Ito ay pinondohan sa ilalim ng QRF 2022.



Samantala,



Magtatayo naman ng panibagong school building ang MBHTE sa Ruminimbang Elementary School sa bayan pa rin ng Barira.


Isinagawa ang groundbreaking ng two-storey with four-classroom school building, a-10 ng Setyembre.


Ito ay pinondohan sa ilalim ng QRF 2023 na nagkakahalaga ng 10,246,555.89.




Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page