Bagong School Building, school librrary at mga newly-repaired classroom, itinurnover na ng MBHTE sa piling paaralan sa Sulu at Cotabato City
- Diane Hora
- Nov 14
- 1 min read
iMINDSPH

Sunud-sunod ang ginawang turnover ceremony ng Ministry of Basic Higher and Technical Education sa mga infrastructure development projects sa mga paaralan sa Sulu at Cotabato City.
Noong Nobyembre 7, isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa two-storey, four-classroom school building at isang covered court na may bleachers at entablado sa Kansipat Elementary School, habang isang one-storey, two-classroom building naman ang inaasahang itatayo sa Rasul Elementary School, sa ilalim ng Schools Division Office of Sulu.
Ang mga proyektong ito, na nagkakahalaga ng ₱25,115,913.14, ay pinondohan mula sa Special Development Fund 2023 ng General Appropriations Act of 2025.
Samantala, sa Cotabato City, isinagawa noong Nobyembre 5 ang turnover ceremony para sa bagong repair na school building at anim na classrooms sa Notre Dame Village National High School at Notre Dame Village Elementary School.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng ₱4,732,930.00 at pinondohan sa ilalim ng GAAB 2024.
Isang one-storey school library ang itinurnover sa Tamontaka Central Elementary School, habang isang bagong ayos na classroom naman ang magagamit na ng mga mag-aaral ng Don E. Sero Elementary School.
Ang mga proyekto ay may kabuuang halaga na ₱6,929,810.50, pinondohan rin sa ilalim ng GAAB 2024.
Layunin ng pagsasaayos at pagtatayo ng mga silid-aralan na magbigay ng ligtas, maayos, at komportableng paligid para sa mga mag-aaral at guro.



Comments