Bagong tayong covered court sa Lim Elementary School sa Brgy. Semba, DOS, MDN, itinurn over na ng MBHTE
- Diane Hora
- Nov 5
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning mas maging maayos ang mga pasilidad ng mga eskwelahan sa Bangsamoro region, ipinagkaloob ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang isang bagong tayong covered court sa Lim Elementary School, Brgy. Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ang naturang covered court at mayroon ding stage at bleachers na magagamit sa mga aktibidad at programa ng paaralan.
Pinondohan ito sa ilalim ng General Appropriations Act of the Bangsamoro o GAAB sa halagang ₱6,914,700.00.
Patuloy ang MBHTE sa adbokasiyang walang kabataang Bangsamoro ang mapag-iiwanan.



Comments