Bai Noraya Ambolodto Sinsuat Pasadalan, dineklara ng COMELEC na nagwaging kapitan sa Barangay Ambolodto, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong BSKE 2023
- Diane Hora
- Apr 25
- 1 min read
iMINDSPH

Sa bagong labas na resolusyon, binaligtad at isinantabi ng COMELEC ang naunang desisyon ng Municipal Circuit Trial Court ng Datu Odin Sinsuat-Datu Piang-Talayan kaugnay sa Election Protest No. 01-2023 na nag-dismiss sa inihaing protesta ni Sinsuat Pasandalan laban kay Bai Shamim Limbona.
Idineklara ng COMELEC na walang bisa ang proklamasyon ni Limbona bilang Punong Barangay ng Ambolodto, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Inatasan din ng COMELEC ang Barangay Board of Canvassers na agad mag-reconvene upang ipatupad ang resolusyong ito, at iproklama si Bai Noraya bilang tunay at legal na nanalong Punong Barangay ng Brgy. Ambolodto, matapos makuha ang pinakamaraming valid votes sa 2023 Barangay at SK Elections.
Comentarios