top of page

Balindong District Hospital sa Lanao del Sur, muling tumanggap ng 4 million pesos na pondo mula sa AMBaG

  • Diane Hora
  • Dec 4
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang karagdagang suporta sa serbisyong pangkalusugan, nagbigay ng panibagong ₱4M na pondo ang Bangsamoro Government sa ilalim ng 𝐴𝑦𝑢𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑀𝑒𝑑𝑖𝑘𝑎𝑙 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝐵𝑎𝑛𝑔𝑠𝑎𝑚𝑜𝑟𝑜 𝐺𝑜𝑣𝑒𝑟𝑛𝑚𝑒𝑛𝑡 o AMBaG sa Balindong District Hospital sa Lanao del Sur.


Mula sa naunang mga pondo ng AMBaG, umabot na sa 4,726 Bangsamoro beneficiaries ang natulungan ng ospital.


Kabilang dito ang iba’t ibang sektor ng pasyente, tulad ng mga kalalakihan, kababaihan, at mga batang edad 15 pababa.


Sa bilang na ito, 4,014 ang naka-uwi na may zero balance bill, patunay na epektibo ang serbisyong naihahatid sa ilalim ng programa.


Sa bagong ₱4M na inilaan ngayon, ayon sa programa, mas marami pang Bangsamoro ang inaasahang matutulungan ng Balindong District Hospital.


Ayon sa programa, patuloy na ipinapakita ang kalinga at serbisyo ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng konkretong suporta at tulong medikal na direktang nakaaabot sa mga nangangailangan.


Ang AMBaG ay isa sa mga flagship program ng Office of the Chief Minister.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page