top of page

Bangkay na isinilid sa sako at may tali ang mga paa, natagpuan sa Barangay Papakan, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Nov 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang bangkay ang natagpuan sa Barangay Papakan ng bayan.


Natagpuan ng awtoridad ang bangkay alas-3:55 ng hapon, araw ng Huwebes, November 13.


Ayon sa awtoridad, ang biktima, tinatayang nasa pagitan ng 30 hanggang 45 taong gulang, nakasuot ng gray na shorts at dilaw na T-shirt. Nakalagay ito sa loob ng isang puting sako at nakatali ang mga paa.


Ayon sa Sultan sa Barongis Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay ng pagkakadiskubre ng bangkay sa Barangay Papakan. Dahil sa matinding pagbaha at hindi madaanan ang naturang lugar, dinala ng mga residente ang bangkay patungo sa Barangay Bulod.


Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Sultan sa Barongis MPS, sa pangunguna ng OIC, kasama ang SOCO team, upang beripikahin ang ulat.


Nakumpirma ng awtoridad ang insidente at nakita ang mga visible injuries sa ulo ng biktima, na posibleng dulot ng matigas o hindi pa natutukoy na bagay.


Isinailalim sa forensic investigation ng MPS at SOCO team ang lugar. Nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang salarin sa likod ng insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page