Bangsamoro Airport Authority, nagsagawa ng ocular inspection sa Jolo airport matapos ikasa ang management committee meeting
- Diane Hora
- 4 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni BAA Director, Atty. Ranibai Dilangalen at Area Manager Carmencita Salik ang management committee meeting sa Jolo Airport at tinalakay ang mga prayoridad sa operasyon at pagpapahusay ng mga paliparan sa rehiyon.
Sa pulong, tinalakay ang 2026 accomplishment at collection report, ang proposed 2026 budget, mga update sa procurement process, at pending proposals mula sa regional office.
Kabilang din sa agenda ang implementasyon ng Executive Order No. 91 at ang status ng mga appointment ng contract of service (COS) personnel, pati na ang iba pang isyu at alalahanin sa operasyon ng Cotabato, Sanga-Sanga, at Jolo airports.
Matapos ang pagpupulong, nagsagawa ang BAA team ng ocular inspection sa runway ng Jolo Airport upang suriin ang kasalukuyang kondisyon at tukuyin ang mga lugar na nangangailangan ng pag-upgrade o interbensyon.
Layunin ng pagbisita na tiyakin ang kaligtasan ng lipad at paglapag, at ang patuloy na pagpapabuti ng pasilidad at serbisyo para sa mga manlalakbay.
댓글