BANGSAMORO ENDOWMENT CALL AT GUIDANCE CENTER
- Diane Hora
- Aug 15
- 1 min read
iMINDSPH

Nanguna si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa groundbreaking seremony ng itatayong Bangsamoro Endowment Call at Guidance Center sa Cotabato City.
Dumalo sa makasaysayang aktibidad sina Wali Sheikh Muslim Guiamaden, Bangsamoro Grand Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani, at Cotabato City Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao, kasama ang mga opisyal mula sa BARMM, mga local leaders, community elders, at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
Ang center na ito ayon kay Macacua ay itatayo bilang sentro ng moral governance, spiritual guidance, at public counselling—isang konkretong simbolo ng hangarin ng pamahalaan na itaguyod ang pagkakaisa, kapayapaan, at moral na pagpapahalaga sa Bangsamoro.
Ang itatayong pasilidad ayon kay Macacua ay magiging ilaw ng pag-asa at patnubay para sa buong komunidad—patunay ng matibay na pagtutulungan ng BARMM Government, mga LGU, at mga mamamayan tungo aniya sa MasMatatagNaBangsamoro.



Comments