top of page

Bangsamoro Labor and Employment Code, Bangsamoro Nutrition Commission, at ang bagong Bangsamoro budget system, pormal nang isinabatas

  • Diane Hora
  • Dec 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal na nilagdaan nina Bangsamoro Wali Muslim Guiamaden, Chief Minister Abdulraof A. Macacua, at Parliament Speaker Mohammad Yacob, ang Bangsamoro Labor and Employment Code, Bangsamoro Nutrition Commission, at ang bagong Bangsamoro budget system.


Isinagawa ang ceremonial signing ngayong araw, December 16.


Sinabi ni Interim Chief Minister Macacua na nagtakda umano sila ng direksyon at hangganan.


Ipapataw umano nila ang pananagutan sa mga institusyon, sa pamumuno, at sa kanilang mga sarili.


Ang Bangsamoro Autonomy Act No. 82, o ang Bangsamoro Labor and Employment Code, ang kauna-unahang komprehensibong batas ng rehiyon na naglalayong protektahan ang mga manggagawa at paunlarin ang mga kondisyon sa paggawa.


Binati ni Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza ng House of Representatives ang Bangsamoro Parliament, at binigyang-diin ang mga natatanging probisyon ng nasabing batas kumpara sa mga umiiral na pambansang legislation.


Pormal ding naisabatas ang Bangsamoro Autonomy Act No. 83, na lumilikha sa Bangsamoro Nutrition Commission—na tututok sa paglaban sa malnutrisyon at pagpapalakas ng food security sa Bangsamoro.


Samantala, itinatakda ng Bangsamoro Autonomy Act No. 84 ang mas malinaw na mga alituntunin sa pagpaplano at paggastos ng pondo ng pamahalaan, kabilang ang mas mahigpit na rekisito sa transparency, fiscal discipline, at partisipasyon ng publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page