Bangsamoro Labor and Employment Code, opisyal nang isinabatas sa Cotabato City
- Diane Hora
- Dec 17
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng Bangsamoro Wali na si Sheikh Muslim Guiamaden, kasama si Parliament Speaker Mohammad Yacob, ang ceremonial signing ng Bangsamoro Labor and Employment Code, kasama ang mga miyembro ng Bangsamoro Parliament at iba’t ibang kinatawan ng
labor sector.
Dumalo rin sa okasyon si TUCP Congressman Raymond Mendoza, pati na ang Governor, Province of Cotabato na si Emmylou Lala Taliño-Mendoza, bilang pagpapakita ng suporta sa bagong batas.
Ayon sa Bangsamoro Government, layon ng Labor and Employment Code na magtakda ng malinaw at iisang pamantayan sa labor relations sa rehiyon mula sa proteksiyon ng mga manggagawa, paglilinaw ng pananagutan ng mga employer, hanggang sa pagpapatibay ng kapangyarihan ng pamahalaan sa patas at pare-parehong pagpapatupad ng batas.
Matagal umanong kinailangan ng Bangsamoro ang isang komprehensibong legal na balangkas sa usapin ng paggawa.
Sa pamamagitan ng bagong batas, itinataguyod ang pamamahalang nakabatay sa moralidad, katarungan, at pananagutan, kung saan kinikilala ang disenteng trabaho bilang pundasyon ng kapayapaan, kaunlaran, at inklusibong pag-unlad.
Inaasahang makatutulong ang Bangsamoro Labor and Employment Code sa pagpapatatag ng mga bunga ng peace process at sa patuloy na pagbuo ng mas makatarungan at mas matatag na Bangsamoro.



Comments