top of page

Bangsamoro Parliament, nagsagawa ng 2-Day Oversight Hearing upang palakasin ang mga batas sa Housing at Community Development

  • Diane Hora
  • Nov 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pangunguna ng Human Settlements and Development Committee, isinagawa ang dalawang-araw na oversight hearing upang makakalap ng ground-level information na magsisilbing gabay sa paghubog ng mga batas at patakarang may kinalaman sa pabahay at pag-unlad ng komunidad.


Ayon kay Committee Chair Romeo Sema, layon ng hearing na mabigyan ng mas malinaw na pag-unawa ang mga mambabatas sa pagpapatupad ng mandato ng Ministry of Human Settlements and Development sa nakalipas na limang taon at tukuyin kung saan kinakailangan ang mga policy interventions.


Base sa report ni MHSD Director General Esmael Ebrahim sa ginawang hearing, nasa 5,701 resettlement units na ang naipatayo mula 2020 hanggang kasalukuyan.


Ibinahagi naman ni Deputy Minister Aldin Asiri ang monitoring system ng ministry upang matiyak na nananatiling sustainable ang mga housing units para sa mga benepisyaryo, kabilang ang mga pamilya ng dating mujahideen.


Ayon sa mga mambabatas, ang mga lumabas na impormasyon at kaalaman mula sa hearing ay magsisilbing gabay sa pagpapalakas ng land administration processes at sa pagbibigay ng mas maayos na suporta sa mga LGU sa pagproseso ng mga project requirements kaugnay sa pabahay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page