Bangsamoro Parliament, nagtakda ng araw para sa mga isasagawang sesyon mula November hanggang February 2026
- Diane Hora
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Upang mas matiyak ang direksyon ng Bangsamoro Transition Authority Parliament, nagpulong ang lahat ng chairpersons ng parliamentary at statutory committees sa pangunguna ng Committee on Rules upang talakayin ang legislative calendar para sa Nobyembre hanggang Pebrero 2026.
Saklaw ng calendar schedule ang serye ng budget deliberations, public consultations, roundtable discussions, committee meetings, at plenary sessions na layong isulong ang mga priority measures ng Parliament.
Kabilang sa mga panukalang tatalakayin sa plenaryo ang mga batas sa transitional justice, Bangsamoro Revenue Code, paglikha ng Nutrition Commission, at Bangsamoro Budget System Act.
Ayon kay Committee on Rules Chair John Anthony “Jet” Lim, masusi ang koordinasyon sa schedule upang matiyak na agad matatalakay ang mga mahahalagang panukalang batas nang walang pagkaantala.
Nakatakdang mag-resume ang plenary session ngayong araw, November 17, kasabay ng pagsisimula ng Committee on Finance, Budget, and Management sa deliberasyon para sa proposed 2026 Bangsamoro Expenditure Program.



Comments