Bangsamoro Parliament, sinimulan ang debate sa panukala para sa Transitional Justice Commission
- Diane Hora
- Nov 19
- 1 min read
iMINDSPH

Sa sesyon kahapon, a dise otso ng Nobyembre, sinimulan na ng Bangsamoro Parliament ang pagtalakay sa isang committee report na tumutukoy sa dalawang panukalang batas para sa pagtatatag ng Transitional Justice and Reconciliation Commission.
Base sa facebook post ni MP Engr. Baintan Ampatuan, nagsimula ang interpellations ng committee-approved versions ng Parliament Bill number 353 at 25 na naglalayon magkabuo ng mekanismo para tugunan ang historial injustices, land dispossession at paglabag sa mga karapatang pantao na nagawa laban sa mga Bangsamoro community.
Ayon kay Committee on the Bangsamoro Justice System Chair MP Suharto Ambolodto, ang panukalang komisyon ay para sa pagreresolba ng mga matagala nang gusot at makapagbigay ng tulong o ginhawa sa mga biktima ng human rights abuses.



Comments