top of page

Bangsamoro Redistricting Act of 2025, pirma na lamang ni ICM Abdulraof Macacua ang kulang upang maging isa na itong ganap na batas

  • Diane Hora
  • Aug 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa ilalim ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025, nire-apportion ang pitong parliamentary district seats na dati ay laan sa Sulu matapos itong maalis sa rehiyon alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema.


Kasunod ng pag-apruba ng BTA Parliament sa panukalang batas sa 3rd and final reading, siyam (9) na ang ang parliamentary districts ng Lanao del Sur, tig-lima (5) sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, apat (4) sa Basilan, apat (4) sa Tawi-Tawi, tatlo (3) sa Cotabato City at dalawa (2) sa Special Geographic Area.


Bagong Alokasyon ng mga Distrito:

• 9 – Lanao del Sur

• 5 – Maguindanao del Norte

• 5 – Maguindanao del Sur

• 4 – Basilan

• 4 – Tawi-Tawi

• 3 – Cotabato City

• 2 – Special Geographic Area (SGA)


Ang naaprubahang bersyon ng batas ay nakaayon sa pinakahuling 4.5 milyong populasyon ng rehiyon.


Pirma na lamang ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang kulang upang maging isa nang ganap na batas ang Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page